(NI BERNARD TAGUINOD)
PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng record breaking sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung hindi magiging agresibo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa paglaban sa nasabing sakit.
Inihayag ni House deputy majority leader Ron Salo ang pangamba dahil nagte-trending na situwasyon kung saan mahigit 1,000 Filipino ang nagkakaroon ng HIV kada buwan na kung magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon ay magkakaroon ng 12,000 HIV victims sa bansa.
“We now have 2,262 new cases this year as of last February. If the new monthly cases do not go below 1,000 per month, we could have at least 12,000 new HIV patients – a new annual record high,” ani Salo.
Dahil dito,kailangang maging agresibo na aniya ang gobyerno lalo na ang Department of Health (DoH) sa kanilang information campaign upang mapigilan ang pagdami ng mga nabibiktima sa HIV na siyang ugat ng Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS).
Kailangan na aniyang puntahan ng mga DoH personnels ang mga barangay, eskuwelahan, komunidad at maging sa mga pinagtatrabuhan ng mga Filipino para sa information drive laban sa nasabing sakit.
“It is the lack of awareness among the general public, the high risk groups, and the RH opponents that is costing the lives of many of our people as it places them to a greater risk of getting infected. The information drive must be strongly felt in barangays, schools, communities and workplaces now, not later because time is of the essence,” mungkahi ng mambabatas.
Noong Pebrero 2019, 59 HIV patients ang namatay sa nasabing sakit kung saan 37 ay edad 25 hanggang 34 habang apat dito ay 15 hanggang 24 anyos lamang.
282