1 LINGGO ‘ABSENT’; LARAWAN NI DU30 INILABAS

(NI BETH JULIAN)

MATAPOS ang isang linggong hindi paglitaw sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas ng larawan ang common-law wife nito na si Honeylet Avancena sa kanyang facebook post.

Ipinakita sa larawan na magkakasama sina Duterte, at ang kanilang anak na si Kitty na ang kumuha ng litrato ay si Avancena.

Ang larawan ay kuha sa kanilang bahay sa Davao City.

Ayon kay Avancena, galing si Kitty sa isang debut sa ganap na alas-11:15 Linggo ng gabi.

Sa isa namang larawan na inilabas ni Senator Bong Go, kasama nito si Pangulong Duterte galing sa pagmomotor.

Matatandaan na isang linggong walang public appearance ang Pangulo kung saan idinahilan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na abala ang Pangulo sa tambak na dokumento na kailangang pag-aralan at pirmahan.

Maliban dito, naging abala rin ang Punong Ehekutibo sa mga pribadong pakikipagpulong at courtesy calls.

Inaasahan naman bukas, Martes, ay mayroon nang aktibidad si Pangulong Duterte sa Malacanang at sa Miyerkoles.

108

Related posts

Leave a Comment