(NI BERNARD TAGUINOD)
BILANG pagkilala sa sakripisyo ng mga public school teachers sa kanilang trabaho sa kabila ng napakaliit ng sahod, nais ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ang mga ito ng discounts sa pagpapa-ospital at konsultasyon kapag sila’y nagkakasakit.
Bukod sa 10% discount sa kanilang hospital bills at pagpapakonsulta, nais ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa kanyang House Bill (HB) 3759 na itaas din ng 10% ang sinasagot ng Philhealth sa gastusin ng mga guro sa pagpapa-ospital.
”Due to the complexities of their job, our teachers are exposed to health risk such as pharyngitis, herpentension, anemia, hyperacidity and lung related diseases, among others. There is a need therefore to provide special attention to our teachers, specially on their health concerns,” ani Rodriguez sa kanyang panukala.
Kasama rin sa makikinabang kapag naging batas ang nasabing panukala ang lahat ng mga dependent o pinakamalapit na kaanak ng lahat ng mga public school teachers.
Sa ngayon ay walang natatanggap na discount ang public school teachers sa pagpapagamot at pareho lang ang sinanasagot ng Philhealth sa kanilang bayarin sa mga ordinaryong miyembro.
187