10 CONVICTS, SUMUKO NA

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi lalagpas sa 10 heinous crimes convicts na maagang napalaya ang sumuko na sa gobyerno matapos ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na 15 araw para bumalik sa kulunghan ang mga ito.

Sa pagtatanong ni Senador Panfilo Lacson, sinabi ni Guevarra na unang batch pa lamang ito ng mga sumuko simula noong Miyerkoles ng gabi at sinisimulan na rin anya ang recomputation sa kanila.

“That’s a good development,” saad naman ni Lacson.

Kasabay nito, nangako si Guevarra na magpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) sa iba pang convicts na kasama sa maagang napalaya dahil GCTA Law.

Sa pagdinig, iginiit din ni Lacson kay Guevarra na ipatupad ang palagiang koordinasyon ng BuCor at Bureau of Pardons and Parole (BPP) upang mas maging maayos ang kanilang mga proseso.

162

Related posts

Leave a Comment