10-K LUMANG PHL FLAGS PAPALITAN

flags

(NI BETH JULIAN)

NASA 10,000 mga lumang Philippine flag ang nakatakdang palitan ng bago bilang bahagi ng pagdiriwang Heritage Month sa Mayo.

Sinabi ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chairman Rene Escalante,  may kasunduan silang ipinasok sa pagitan ng NHCP, Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG) at isang foundation na layuning mamahagi ng mga bagong watawat sa mga public elementary schools sa buong bansa.

Ayon kay Escalante, napansin nila na walang masyadong pondo ang Department of Education (DepEd) para palitan ang mga lumang watawat kaya dumulog sila sa non government organizations para rito.

Kaugnay nito, sa Mayo 28 ay ipagdiriwang ang Flag Day na sasabayan ito ng programa sa Imus, Cavite upang alalahanin ang Battle of Alapan.

Ayon kay Escalante, magkakaroon ng kampanya para sa sabay-sabay na pagtataas ng watawat sa buong lalawigan ng Cavite.

104

Related posts

Leave a Comment