11 PAMBATO NI DU30 PORMAL NANG IPRINOKLAMA

digong14

LABING-ISANG senatorial bets ng administrasyon ang pormal nang iprinoklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pambato sa 2019 senatorial elections sa Brgy. Minuyan, San Jose del Monte City, Bulacan.

Kabilang sa mga iniendorso ng Pangulo ang PDP-Laban senatorial slate na sina dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa, Maguindanap Rep. Dong Mangudadatu, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel at dating MMDA Chair Francis Tolentino.

Samantala, mga “guest candidates” naman ng partido sina re-electionist Senators Cynthia Villar, JV Ejercito, at Sonny Angara, Taguig Rep. Pia Cayetano at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Tiniyak naman ng Pangulo ang husay at katapatan sa pagsisilbi sa bayan ng nasabing 11 kandidato kaya marapat daw suportahan ng mga botante.

Matapos ang ilang oras na event sa Bulacan ay nag  ‘unwind’  ang Pangulo at mga miyembro ng Gabinete sa panonood ng Valentine’s Day concert ng Brazilian singer na si Sergio Mendez sa Solaire Hotel and Casino sa Parañaque City.

303

Related posts

Leave a Comment