(NI ROSE PULGAR)
HUMIRIT ng dagdag-presyo sa mga Noche Buena items ang food manufacturers at meat processors sa kanilang mga produktong hamon.
Ayon sa meat producers, tumaas na ang mga raw materials na kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang produktong karne mula sa ibang bansa, kung kaya humihirit sila ng karagdagan 12 porsiyento ng presyo ng kanilang produkto.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castello, maging ang mga manufacturer ng commercial ham ay humihirit na rin ng hanggang P10.00 dagdag presyo.
Sinabi ni Castello, na kanila munang pag-aaralan kung magkano ang posibleng mababang presyo na maaaring idagdag sa mga hamon.
Iginiit ni Castello na hangga’t hindi naglalabas ng bagong suggested retail price ang kagawaran ay hindi maaring magbago ang kanilang presyo.
Samantala, sinabi ng DTI na walang nakikitang dahilan na tumaas ang presyo ng mga ham manufacturer dahil nananatiling mababa ang presyo ng mga lokal na karne.
250