$1K CORPORATE INCOME TAX BAWAT POGO MACHINE IHAHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

NAKATAKDANG maghain sa susunod na Linggo si House Ways and Means Chair Joey Salceda ng panukala na magpapataw ng  $1,000 presumptive corporate income tax bawat upuan o machine na ginagamit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Salceda maituturing na ‘circuit breaker’ang nasabing panukala kung saan P25B ang malilikom na dagdag pondo.

Nabatid na 1.5 porsiyento ang ambag sa gross domestic product ng operasyon ng POG0 sa bansa.

Nakapaloob din sa panukala na isasama na ng Banko Sentral ng Pilipinas ang POGO bilang hiwalay na item sa Balace of Payment account sa ilalom ng service exports gaya ng BPO.

“This is in a way of legitimizing the POGO operations not just the grant of franchise of Pagcor. This provides a platform for the industry, a more solid platform,” paliwanag ni Salceda.

Sa datos ng Department of Finance ay nasa 138,000 dayuhan ang nagtatrabaho sa POGO kung saan 54,241 sa mga ito ay inusyuhan ng alien employment permits nabang ang 83,760 pa ay may hawak special working permits.

 

156

Related posts

Leave a Comment