FOREIGN PLAYERS, TOP 3 SA UAAP MVP RACE

PAWANG foreign players ang umaakupa sa top 3 spot para sa Most Valuable Player race ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Si University of Santo Tomas (UST) Tigers center Soulemane Chabi-Yo ay bahagyang nakaaangat sa pumapangalawang si Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles.

Si Chabi-Yo ay nakatipon ng 82.71 statistical points (SPs), habang si Kouame ay may 81.43 SPs matapos ang first round ng eliminasyon.

Ang Benin national na si Chabi-Yo ay nag-average ng 19.86 points at 15.29 rebounds sa halos 32 minuto ng kada laro, para tulungan ang UST sa 4-3 record sa first round.

Si Kouame, last season’s Rookie of the Year, ay nag-average ng 14 points, 13.14 rebounds at 4.86 blocks (per game) sa 25 minuto kada laro para sa unbeaten Blue Eagles.

Nasa ikatlong puwesto naman si last season’s MVP, Bright Akhuetie ng University of the Philippines. Mayroon siyang 69 SPs para akayin ang second-running UP sa 5-2 card. May averaged 14.57 points at 12 rebounds kada laro.

Humahabol naman at nasa ikaapat na pwesto si Kobe Paras. Nakapagtala siya ng 18.6 points, 5.6 rebounds, 1.4 assists at 1.4 blocks per game sa kanyang limang salang sa Fighting Maroons. Nakalikom siya ng 65.2 SPs.

Ang kumpletong listahan ng top 10: 5. Alex Diakhite (UE), 64.83 SPs; 6. Rey Suerte (UE), 62.29 SPs; 7. Jamie Malonzo (La Salle), 61.5 SPs); 8. Justine Baltazar (La Salle), 58.57 SPs; 9. Thirdy Ravena (Ateneo), 57.71 SPs; 10. Lenda Dounaga (Adamson), 56.86 SPs.

KOUAME, UAAP ATHLETE OF THE WEEK

Matapos ang panalo laban sa University of the East at University of the Philippines, nahirang si Ange Kouame bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week.

Inakay ni Kouame ang Ateneo sa pagdemolis sa Red Warriors, 85-68 at ang paglampaso laban sa UP, 89-63.

Tinalo ni Kouame sa karangalan ang teammate na si Will Navarro, gayundin sina Encho Serrano (La Salle), Xyrus Torres ng FEU at Alex Diakhite.

 

 

164

Related posts

Leave a Comment