2-M KADA TAON ISINISILANG — POPCOM

populasyon12

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa paglobo ng populasyon sa bansa na posibleng madagdagan sa dalawang milyon ang isinisilang kada taon, malaking banta sa mas malalang sitwasyon ng kahirapan ang posibleng mangyari.

Sa kabila nito, sinabi ng Commission on Population na malabong ipatupad ang one child policy sa bansa.

Ayon kay Herita Macarubbo, Director ng Commission on Population (POPCOM) Region II,  lumabas sa kanilang pag-aaral na family planning pa rin umano ang solusyon upang maiwasan ang paglobo ng populasyon.

Base sa Saligang Batas, karapatan ng mag-asawa na magplano sa bilang ng kanilang magiging anak kung saan ay may mga programa ang pamahalaan na naglalayong mabigyan ng sapat na impormasayon ang mga mag-asawa kaugnay sa pagpaplano ng pamilya.

136

Related posts

Leave a Comment