MAY BINABAGAYAN, DARNA ROLE IS NOT FOR ME — KATHRYN

kathryn bernardo12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

NAGSALITA na si Kathryn Bernardo tungkol sa usaping she will become the next Darna matapos mag-backout ni Liza Soberano.

Ayon kay Kathryn, kung siya nga ang gaganap na next Darna ay kailangan siyang mag-training para maging fit siya for the role.

Sa totoo lang, maraming choices ang netizens na celebrities to audition for the role and Kathryn is one of the “most favorite.”

Aminado naman ang multi-awarded actress na  almost every actress ay nangarap na gampanan ang role na Darna. Pero ‘di raw siya bagay dito dahil naniniwala siya that the superhero character needs to be portrayed by an “older” woman.

“Darna is such an iconic role. Pero maybe it’s not for me. Hindi porke’t gusto mo ‘yung role, pwede siya sa ’yo. For me, may binabagayan,” paniniwala ni Kathryn.

Gayunpaman, idiin niyang sino mang artista ang mapili  as the lead actress in the much-anticipated superhero movie ay susuportahan niya.

“Tinatanong nila ako kung sino ‘yung perfect for the next role, I don’t know. Kasi kahit ako, iniisip ko kung sino pa ‘yung pwede after Ate Angel. Whoever man ‘yung mapili for the role, kailangan talagang bigyan ng maraming trainings kasi hindi joke ‘yung Darna,” mensahe ni Kathryn na umaasang irerespeto ng kanyang mga tagahanga ang desisyon niya at matitigil na ang isyung siya ang magiging next Darna.

 

233

Related posts

Leave a Comment