2 US SENATORS BANNED SA ‘PINAS

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration na huwag papasukin sa bansa ang dalawang American lawmakers matapos magpanukala na huwag papasukin sa kanilang bansa ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na agad ipinag-utos sa BI na i-ban sa bansa sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy – ang dalawang mambabatas na nagpakita sa ilang probisyon sa US 2020 budget kung saan ipinagbabawal na makapasok sa kanilang bansa ang mga politikong nagpakulong kay De Lima.

Binasa ni Panelo ang inihandang statement nitong Biyernes sa media briefing.

Inatasan ng Pangulo si Justice Secretary Menardo Guevarra na basahin ang pahayag na nangangahulugan na ang ban ay isagawa sa lalong madaling panahon.

Nasa ilalim ni Guevarra ang superbisyon ng Immigration Bureau.

Hindi naman nagpahayag sina Durbin at Leahy ng anumang plano sa pagbisita sa Pilipinas.

Ang panukala ay nilagdaan ni US President Donald Trump ngayong buwan ngunit sinabi ng Malacañang na ang pag-ban sa Philippine officials na kontra kay De Lima ay hindi pa naipatutupad.

Sinabi ni Panelo na kailangang mayroon silang sapat na kapani-paniwalang impormasyon bago ipatupad ni US Secretary of State Mike Pompeo ang panukala.

 

175

Related posts

Leave a Comment