20 AKTOR, 11 AKTRES, 3 BETERANO NASA LISTAHAN NG PDEA

pdea12

NASA 20 aktor at 11 aktres umano ang kasama sa 31 celebrities na nasa drugs watch list, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, Miyerkoles ng umaga.

Sa 31 isa umanong celebrities ay tatlo ang matanda at lahat na umano ay puro bata na nasa 20 hanggang 30 ang edad, ayon pa kay Aquino.

Idinagdag pa ng PDEA chief, sa interview sa ANC Headstart, na ang mga celebrities na gumagamit ng droga ay kadalasang madalas na nagpaparty sa iba’t ibang high end clubs sa Metro Manila.

Gayunman, hindi pa umano nila mailalabas ang pangalan ng mga ito hanggat hindi pa nakukumpirma ang kanilang aktibidad. Nasa ilalim pa umano ito ng validation at sakaling konkreto na ang lahat ay hindi maaaring hindi nila ito isapubliko.

94

Related posts

Leave a Comment