2019 BUDGET OK NA SA SUSUNOD NA LINGGO

2019

(NI ABBY MENDOZA)

WALA nang dapat ipangamba na magkakaroon ng reenacted budget at walang gagastusin sa 2019 election dahil sa susunod na linggo ay maaprubahan na ang P3.757 trilyon na 2019 national budget.

Ayon kay House Majority Leader Rep Fredenil Castro, nagkasundo na ang Kamara at Senado na ratipikahan ang 2019 budget.

“Tatapusin na ng mga contingent ng Senado at Mababang Kapulungan sa bicam ang usapin upang ma-ratify ang bagong budget for 2019 bago mag adjourn ang Congress sa Miyerkules, February 6,” paliwanag ni Castro.

Sinabi ni Castro na sa kabila ng magkakaibang isyu ng Kamara at Senado ukol sa budget at ang magkakaibang posisyon na amyendahan ang mga pet projects ng bawat mambabatas ay nagkakaisa naman ang mga ito na agad nang ipasa ang national budget upang hindi na magkaroon pa ng reenacted budget na tiyak nilang mas malaking problema ang hatid.

“Malakas ang kagustuhan ng mga kasapi ng bicameral conference committee na tapusin ang 2019 budget bago mag-break ang Kongreso sa darating na Miyerkoles,” pagtiyak ni Castro.

Matatandaan na una nang nagbanggaan ang mga kongresista at mga senador dahil sa kanya kanyang mga insertions. Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na P160 milyon ang pork barrel na ipinasok ng Kamara para sa bawat kongresista na aabot sa P48 bilyon para sa 300 mambabatas habang aminado ito na may mga institutional amendements din ang mga senador na nakalagay sa 2019 budget.

141

Related posts

Leave a Comment