TAMANG PASAHOD SA HOLIDAYS PAALALA NG DOLE

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa employer na mahigpit na sundin ang tamang pasahod sa mga empleyado na papasok ngayong Disyembre 24 at 31 na idineklarang special non-working holidays at sa Disyembre 25 at 30 na regular holidays.

Sinabi ni  Labor Secretary Silvestre Bello, magiging epektibo lamang ang “no work, no pay” policy kapag may ipinapatupad ang mga private companies o ito ay napagkasunduan sa collective bargaining agreement (CBA).

Kapag ang empleyado ay pumasok sa special non-working holiday ay mababayaran pa rin ito ng 30 percent sa kaniyang arawang sahod sa loob ng walong oras at sakaling ito lumagpas ng walong oras ay dapat bayarin ito ng karagdagang 30 percent sa bayad nito kada oras.

Sakaling nataon sa day-off ng isang empleyado at ito ay pinapasok , dapat bayaran ito ng karagdagang 50 percent sa unang walong oras nito habang 30 porsyento lamang ang ibabayad sa kada oras na sobra sa walong oras.

Sa Disyembre 25 at 30 na regular holidays naman ay mababayaran pa rin ng 100 percent ang isang empleyado na hindi pumasok sa nabanggit na araw.

Kapag pumasok sila ay may karagdagang 100 percent bukod pa sa arawang sahod.

Karagdagang 30 percent naman ang ibabayad sa kada oras kapag nag-overtime ito.

Sakaling nataon na day-off ng isang empleyado ay mababayaran ito ng karagdagang 30 percent bukod pa sa kabuuang 200 percent na arawan at holiday pay ng isang empleyado. (ARDEE DELLOMAS)

9

Related posts

Leave a Comment