PULITIKA, TERORISMO TINUTUTUKAN SA BATOCABE KILLING

bato 100

(NI JESSE KABEL)

NAGSIMULA nang kumilos ang binuong investigating team para tutukan ang pagpaslang kay AKO –Bicol Party List Rep.  Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.

Dalawang anggulo ang pangunahing tinututukan ng mga imbestigador kabilang dito na posibleng pulitika ang pangunahing motibo ng mga salarin at posibleng kagagawan din ng mga Communist Party of the Philippines armed wing New People’s Army.

Si Batocabe, 52, ay pinatay habang namimigay ng regalo sa mga senior citizens at PWDs sa kanyang bayan.

Ayon kay PNP Bicol Regional Police Director P/ Chief Supt. Arnel Escobal,  may pagkakahawig sa estilo ng mga gun-for-hire group na  kadalasan ay ginagamit ng mga tiwaling pulitiko. Ang gunmen ay tumakas nang makihalo sa mga nagulantang na residente. Sinabi ng PNP region 5 na nagtamo ng walong gunshot wounds si Batocabe habang ang kanyang security escort na si SPO1 Orlando Diaz ay nagtamo ng dalawang gunshot wounds sa ulo, isang gunshot wound sa left chest, isa sa abdomen, isa sa right leg at isa sa left leg.

Si Batocabe ay pinaslang habang paalis sa Bgy. Burgos. Nilapitan sya ng gunmen at pinagbabaril ng caliber  .40 at caliber .45 pistol. Pito pang bystanders ang tinamaan ng stray bullets. Nabatid na may mga pagbabanata na umano sa buhay ng kongresista subalit binabalewala lamang nito. Ito ay makaraang lantaran niyang ihayag na ang katungali niya sa pulitika ay gumagamit ng mga armadong grupo para maka-impluwensiya.

Hindi rin inaaaalis ng mga imbestigador ang angulong may kaugnayan sa krimen ang New People’s Army ani Escobal

“Iyung pinangyarihan po na lugar is highly influenced ng mga CPP-NPA, itong tinatawag nating communist-terrorist group,” ayon sa opisyal.

120

Related posts

Leave a Comment