(NI KIKO CUETO)
BALIK-ESKWELA ang halos 28 milyong estudyante mula kinder hanggang Grade 12, ngayong Lunes, sa muling pagbubukas ng klase.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na inaasahan ng Department of Education (DepEd) ay may 27,817,737 enrolees mula kindergarten hanggang Grade 12 na papasok ngayong taon.
Mas mataas ito ng 2.95 percent mula sa bilang nang nagdaang taon na 27,018,509.
“Talagang nag-iimprove na ang participation rating ng ating mga kabataan from kindergarten to junior, and senior high kasi dati pababa ng pababa,” sinabi ni Briones.
Pinayuhan naman ng Pagasaang mga magulang at estudyante na magdala ng payong sa
posibilidad ng pag-ulan ngayong Lunes.
Nagpakalat naman ng mga tauhan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar na chokepoints sa trapiko.
Ang Philippine National Police naman ay full force na at magpapakalat na ng mga tauhan sa mga eskuwelahan para matiyak ang seguridad ng mga estudyante.
May 61,916 schools sa buong bansa, at 47,025 ay DepEd schools ayon kay Briones.
432