300% ROAD USERS TAX INCREASE, MAHIHIRAPAN SA SENADO 

cars200

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

DUDA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na lulusot sa Senado ang panukalang itaas ng 300% ang Motor Vehicle Users Charge (MVUC) o mas kilala bilang road users tax.

Ayon kay Sotto, malinaw na ang muling tatamaan ng dagdag na singil sa buwis na ito ay ang mga vehicle owner na matino namang nagbabayad ng kanilang obligasyon sa gobyerno.

“Mahihirapan yan. Yung mga tatamaan dyan yung mga nagbabayad din ng tax na matino,” saad ni Sotto.

Bukod dito, sa kasalukuyan ay may pondo pa rin mula sa Road User’s Tax na hindi pa rin nagagalaw matapos buwagin ang Road Board dahil sa kawalan ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

“Mahihirapan sa amin yun kasi may mga present budget pa yun. Meron pang hindi nagalaw na budget, di ba? Yung nakuha sa road users tax,” saad ni Sotto.

“Ang remedyo yan. Dito sa GAB (General Appropriations Bill) pwede natin ilagay. Kapag pinasok namin yan dyan it becomes law, hindi na kailangan ng IRR,” diin pa ng senador.

Kung aabot man anya sa kanila ang panukalang pagtataas ng Road Users Tax, titiyakin nilang magpapaliwanag ng husto ang Department of Finance (DOF) bago nila ito ikunsiderang maipasa.

“Oo tatanungin lang naman ng DOF. Bakit gusto nyo itaas ang road users tax, san ilalagay?” diin ni Sotto.

153

Related posts

Leave a Comment