35,000 PULIS IKAKALAT SA NOB. 1

PNP by JhayJalbuna

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang 35,000 police personnel ang ipakakalat sa buong bansa para magbantay ng seguridad at kaligtasan sa publiko para sa obserbasyon ng Araw ng Undas sa Nobyembre 1.

Ayon sa tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Police Brig. General Bernard Banac, bukod sa nabanggit na bilang ay may 100,000 volunteers pa mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang magiging kasama o katuwang ng PNP.

“Ito yung mga fire, medics, rescue groups at maging yung mga bantay bayan natin at mga barangay tanod,” pahayag ni Banac.

“So binilang natin lahat yan, abot ng almost 100,000 kaya kung bibilangin natin ang puwersa ng PNP at civilian force multipliers aabot ng 135,000,” saad pa ni Banac.

Siniguro rin ng opisyal na ang deployment sa mga pulis ay 24-oras.

Mismong nanawagan si Banac sa publiko, partikular ang magtutungo sa mga sementeryo, na mas mainam kung dadalawin ng kaanak ang namayapang mahal sa buhay bago pa man dumating ang petsa ng Nobyembre 1 upang iwas na rin sa pakikipagsiksikan at balyahan sa dagsa ng mga tao.

Pinaalalahanang muli ng pulisya ang publiko na iwasang magpasok sa sementeryo ng anumang matutulis na bagay, alak at kung ano pang ipinagbabawal na bagay dahil kukumpiskahin din nila ang mga ito.

178

Related posts

Leave a Comment