(NI MINA DIAZ)
ISANG petisyon ang ihaharap ng isang labor group para sa wage increase sa apat pang mga lugar, matapos humiling ng adjustment sa Metro Manila.
Maghaharap ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagtaas ng sahod sa mga lugar ng Cebu province, Cagayan De Oro City, Calabarzon at Mimaropa regions sa susunod na mga araw, ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Alan Tanjusay.
Una nang hiniling ng TUCP na itaas ang araw-araw na minimum wage sa rehiyon sa P1,245, na sinasabi na ang kasalukuyang araw-araw na rate ng P537 ay hindi sapat upang bumili ng masustansyang pagkain para sa isang pamilya na lima katao.
“Mas malaki ang isyu sa nutrisyon sa mga lalawigan dahil mas maliit pa ang minimum na sahod doon,” pahayag ni Tanjusay.
Ang mga kasalukuyang suweldo at iligal na kontraktwalisasyon ng mga manggagawa ang pumipigil na matamo ang malakas na paglago ng ekonomiya mula sa pagbulusok-pababa sa masa, dagdag pa nito.
162