(NI ABBY MENDOZA)
NASA 450 aftershocks na ang naitala sa Mindanao matapos ang 6.9 magnitude quake na tumama sa Matanao, Davao del Sur at marami pang aftershocks ang maaaring maramdaman sa loob ng susunod na tatlong araw subalit mas magiging mahina na ito.
Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) maliban sa aftershocks ay kanilang pinag iingat ang mga residente sa posible pang dagdag na pinsala dahil sa nakakaramdam pa rin ng bahagyag malalakas na aftershocks.
Inaalam pa ng Phivolcs kung magkadugtong ang nangyaring lindol noong Oktubre at ang huling pagyanig, sa inisyal na report ng ahensya, ang 6.9 quake ay sanhi ng Tangbulan Fault, Digos Fault at Makilala-Malungon Fault.
Sinabi ni Phivolcs Senior Science Research Specialist Dr. Rommel Grutas na ang gumalaw na Tangbulan Fault ay may kapasidad na hanggang 7.2 magnitude quake kaya hindi na nakapagtataka na may kalakasan ang naganap na pagyanig.
405