5-ARAW DEADLINE PARA AYUSIN ANG 2019 NA’TL BUDGET

gma12

(NI ABBY MENDOZA)

INATASAN ng House Leadership si House Secretary Roberto Maling na pisikal na bawiin ang budget books o kopya ng 2019 General Appropriations Bill na una na nitong isinumite sa Senado upang baguhin ito sa layuning maresolba na ang gusot sa budget.

Kasabay nito, iniutos ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuo ng 3-man House Team na syang makikipagpulong sa Senate counterparts para ayusin na ang hindi napagkakasunduang isyu sa 2019 budget sa loob lamang ng limang araw.

Ang three man team ay binubuo nina Albay Rep Edcel Lagman, House Appropriations Committee Chair Rolando Andaya at San Juan Rep Ronnie Zamora.

Paglilinaw naman ni Arroyo na hindi nila binabawi ang kanilang naunang posisyon na dapat ay mayroong line items at hindi lump sum sa mga proyekto.

Samantala maging si  Lagman na lider ng Magnificent 7 opposition bloc ng Kamara ay pabor sa House version ng 2019 budget, aniya, bilang nasa hanay ng oposisyon ay hindi nya susuportahan ang hakbangin ng Kamara kung ito ay unconstitutional subalit sa pagkakataong ito ay nanindigan siya na tama ang Kamara sa ipinaglalaban ukol sa budget.

173

Related posts

Leave a Comment