50% DISCOUNT SA OFW REMITTANCE FEE

pinoy

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG lalo pang matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagbuhay ng mga ito sa ekonomiya ng Pilipinas, nais ng mga mambabatas na bigyan ang mga ito ng discount sa kanilang ibinabayad kapag nagpapadala ang mga ito ng kanilang sahod.

Sa ilalim ng House bill 9032 o  “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act” na inakda ni Pampanga Rep. Aurelio Umali, panahon na magkaroon ng discount sa remittance fees ang mga OFWs upang makaipon ang mga ito o kaya hindi mabawasan ang ipinapadalang pera sa kanilang mga mahal sa buhay.

“These OFW remittances are transferred from the OFWs to intermediaries, such as financial and non-bank financial institutions, before they reach their beneficiaries. In the course of the fund transfer, the amounts remitted are subject to several fees and high remittance charges which result in the depletion of the amount to be remitted and received,” ani Umali.

Sinabi naman ni ACT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz na masyadong mataas ang remittance fees na sinisingil ng mga bangko sa mga OFWs dahil umaabot sa  $10.57 ang bayad sa bawat $100 na ipinapadala ng mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil dito, gumasto umano ng $3 Billion ang mga OFWs sa remittance fees noong nakaraang taon dahil nakapagpadala ang mga ito ng $31 Billion kaya nanghihinayang ang mambabatas.

Upang maproteksyunan umano ang mga OFWs, ihinain ni Umali ang nasabing panukala para bigyan ng discount ang mga ito sa remittances fee mula 10% hanggang 50% depensa sa halagang ipapadala.

Nais ni Umali na kapag $500 ang ireremit ng isang OFW ay magkaroon ito ng 50% discount at 40% naman kung ang ipapada nito ay mas mataas sa $500 hanggang $1,000.

Kapag higit sa $1,000 hanggang $1,500 ay magkakaroon ito ng 30% discount at 20% discount naman kapag $1,501 hanggang $2,000 ang ipapadala at 10% kapag higit sa $2000 ang ire-remit.

367

Related posts

Leave a Comment