5th SONA NI PDU30 PINAPLANTSA PA

DALAWA ang opsyon na pinagpipilian ng Malakanyang sa nalalapit na ika-5 State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang dalawang opsyon na ito ay puwedeng pumunta sa Kongreso na limitado lang ang dadalo habang ang isa naman ay virtual na lamang.

Matatandaang, noong nakaraang buwan ay sinabi ni Sec. Roque na sa ilalim ng “new normal” ay kinukonsiderang gawing “blended” ang Ulat sa Bayan ni Pangulong Duterte.

Bagaman inilutang ang blended SONA, nilinaw ni Sec. Roque na pinag-uusapan pa sa ngayon kung ano ang mangyayari sa pagbubukas ng bagong Kongreso kung saan dapat dumalo ang Pangulo para magtalumpati. “That is being discussed. I think, kung mayroon tayong blended learning, we will also have a blended SONA,” ani Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

69

Related posts

Leave a Comment