(NI BETH JULIAN)
ASAHAN na ang pagkakaroon mula anim hanggang walong bagyo sa susunod na tatlong buwan.
Sa economic briefing nitong Miyerkoles sa Malacanang, sinabi ni Pagasa Deputy Administrator Flaviana Hilario, na nararanasan ang bagyo sa papasok na buwan ng Hunyo, Hulyo hanggang Agosto.
Itinuturing ng Pagasa sa peak month ng mga pinakamalalakas na pag-ulan ang Hulyo at Agosto.
Ayon kay Hilario, sa buwan ng Hunyo, makararanas ang bansa ng tinatawag na generally near normal rainfall condition maliban sa mga lugar sa Apayao, Cagayan at Zambales.
Habang ang ilan pang mga lugar sa Region 1 ay makararanas ng below normal rainfall o pag ulan.
Sa buwan naman ng Hulyo, generally normal above rainfall level ang mararanasan sa bansa maliban sa Mindanao at Southern Visayas.
Sa buwan naman ng Agosto ay above normal rainfall na ang mararanasang pag ulan sa bansa.
141