6 POI SA BATOCABE KILLING NAHAGIP NG CCTV

bato200

ANIM na “person of interest” (POI) mula sa nakuhang closed-circuit television (CCTV) footage ang kinilala ng Special Investigation Task Group na siyang nag-iimbestiga sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at police escort nitong si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz.
Ayon mismo sa tagapagsalita ng task group na si Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, patuloy ang pag-check ng task group sa nasabing CCTV footage. Sa kabila ito na may anim na POI nang kinilala.
Nagbigay na rin umano ng kanya-kanyang pahayag sa awtoridad ang mga nasugatan sa insidente. Gayundin ang driver ng mambabatas na nagsabing maaaring anim ang sangkot sa pagpatay dahil sa tatlong motorsiklong naghihintay bago nangyari ang krimen.

8

Related posts

Leave a Comment