WALANG PINOY SA INDONESIA TSUNAMI – DFA

indonesia100

(NI ARDEE DELLOMAS)

WALANG naitalang Filipino sa mga namatay sa naganap na tsunami sa Lampung at Banten, Indonesia.

Ito ang pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs sa mga miyembro ng Filipino community sa lugar.

Sinabi ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, agad silang nakipag-ugnayan sa National Disaster Management Authority sa lugar at nabatid na walang Pinoy ang napasama sa 222 namatay dahil sa tsunami.

Hindi inabot ng tubig baha ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Filipino sa nabanggit na bansa.

 

7

Related posts

Leave a Comment