TULOY ANG LABAN SA PULITIKA NG MGA  BATOCABE

justin 350

MAY tatakbo pa ring mayor sa pamilya Batocabe kahit pa napatay si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ayon sa anak niyang si Justin.

Ito ang tiniyak ni Justin nang humarap sa mamahayag, Lunes ng umaga. Gayong hindi pa alam kung sino sa pamilya Batocabe ang tatakbo sa mayoral race sa 2019, sinabi ni Justin na “hindi pa finalized kung sino ang tatakbo pero tyak na may tatakbo sa pamilya. Ipagpapatuloy namin ang magandang adhikain na naumpisahan ng tatay ko. Itataas namin ang pangarap niya sa Daraga, sa Bicol.”

Idinagdag pa ni Justin na pag-iisipan nilang mabuti kung sino ang ipapalit nila sa posisyong iniwan ng kanyang ama.

Ang pagpapalit ng kandidato ay pinapapayagan ng Comelec hanggang sa tanghali ng May 13, election day, basta’t ang kapalit ay may parehong apelyido ng umatras na kandidato.

Bago mapatay ay inakusahan umano ni Batocabe ang kalabang kampo sa pagkakaroon ng armadong grupo na posible umanong makapag-impluwensiya sa May elections.

Hiniling naman ng Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin sa Comelec na isailalim ang Daraga sa kanilang kontrol sa panahon ng eleksiyon na ngayon pa lang ay nabahiran na ng dugo.

4

Related posts

Leave a Comment