7-K PINOY NAPIGILAN NG BI MAKALABAS NG BANSA

bi121

(NI MINA DIAZ)

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na nasa mahigit 7,000 Filipino ang naharang paalis ng bansa sa unang quarter ng taon dahil na rin sa pinaigting na kampanya  laban sa human trafficking.

Sinabi ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina na ang kabuuang 7,311 na paalis na mga pasahero ay naharang mula Enero hanggang Marso dahil sa kabiguang makasunod sa mga kinakailangan para sa pagbiyahe sa ibang bansa.

“We have been very careful in assessing these travelers as we wanted to ensure that they will not be victimized by human traffickers and illegal recruiters,” ani Medina.

Aniya ang mga information officers (IOs) ay mahigpit na sinasala ang mga pasahero na paalis bilang depensa ng gobyerno sa kampanya nito upang labanan ang trafficking sa mga puwerto.

Ipinaliwanag ni Medina na sa pagsala ng mga paalis na pasahero, ipinapatupad ng BI ang mga guidelines ng Department of Justice (DoJ) sa mga departure formalities para sa mga international-bound passengers.

Nilinaw ni Medina na ang hindi pagpayag ay hindi nangangahulugang ng panghabang-buhay na pagtanggi upang makaalis ng bansa. “Passengers whose departures were previously deferred will be allowed after complying with requirements based on the DoJ guidelines. These requirements were set by the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) to ensure that our kababayan are protected from being victimized abroad,” dagdag pa nito.

Napag-alaman sa ulat ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng Bureau, mahigit 6,000 katao o 84 na porsiyento ng mga pasahero ay nanggaling sa NAIA habang ang iba ay napigil sa mga paliparan ng Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo at Davao.

Karamihan aniya sa mga pasahero ay hinarang dahil sa kahina-hinalang layunin ng paglalakbay habang ang ilan ay gumawa ng mga mapanlinlang na pagkilos tulad ng maling pahayag at pagsusumite ng mga huwad na mga dokumento.

Kabilang sa mga ito ang 13 na underage overseas Filipino workers (OFWs) na nahuli na nagpalsipika ng kanilang petsa ng kapanganakan sa kanilang mga pasaporte.

68

Related posts

Leave a Comment