NEWLY GRADS LIBRE NA SA ILANG LEGAL GOV’T DOCS

jobhunt12

(NI BETH JULIAN)

GANAP nang batas ang isang kautusan na nagbabawal sa ilang ahensya ng gobyerno na singilin ng fees o charges ang mga bagong graduate para sa mga kailangan nilang dokumento.

Sa ilalim ng inilabas na Republic Act 11261 ng Palasyo, kabilang sa mga dokumento na ito na dapat ay libre nang ibibigay sa mga bagong graduate ay police clearance, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, barangay clearance, birth certificate, marriage certificate, tax identification number (TIN), transcript of academic records mula sa state colleges and universities at unified multi-purpose ID, gayundin ang medical certificate mula sa mga pampublikong ospital.

Para naman mabigyan ng mga ito ang mga bagong graduates ay kailangan nila magprisenta ng barangay certification.

Sa ilalim din ng batas, hindi kasama sa mga mailillibre ang mga charges na kinokolekta para sa aplikasyon sa professional licensure examination at career service examination, gayundin ang pagkuha ng driver’s license, passport at iba pang dokumento sa Department of Foreign Affars (DFA).

Inaatasan ng batas na ito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na gumawa ng database para sa mga nabigyan na ng benepisyo ng nasabing batas.

 

 

191

Related posts

Leave a Comment