7 SENADOR NAKA-PERFECT ATTENDANCE SA 17TH CONGRESS

senate

NAKAPAGTALA ng perfect attendance ang pitong senador sa katatapos na third regular session ng 17th Congress.

Ang mga ito ay nakadalo sa lahat ng 61 plenary session sa naturang panahon.

Mula Hulyo 23, 2018 hanggang Hunyo 4, 2019, ang mga dumalo sa lahat ng sesyon ay sina Senators Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Panfilo “Ping” Lacson, Aquilino “Koko” Pimentel III, Vicente “Tito” Sotto III, Joel Villanueva, at Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Ayon sa data mula sa Senate Journal Service, dumalo si Senador Nancy Binay ng 60 session days at isang session day na hindi nakadalo dahil sa official mission abroad.

Sina Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, Sherwin Gatchalian, at Cynthia Villar ay nankadalo ng 58 session days habang sina Senators Risa Hontiveros-Baraquel at Antonio Trillanes IV ay nakumpleto ang 57 session days.

Ang mga senador na dumalo sa sesyon ay sina Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara (56 session days); Grace Poe (56); Loren Legarda (56); Ralph Rector (55); Chiz Escudero (55).

Sinundan ang mga ito nina Senators Paolo Benigno “Bam” Aquino IV (50); Richard Gordon (54); Emmanuel “Manny” Pacquiao (49); and Francis “Kiko” Pangilinan (47).

Si Senador Leila de Lima na nakakulong ngayon ay zero sa lahat ng sesyon.

 

209

Related posts

Leave a Comment