IWASAN ANG ASSIGNMENTS NA NAKABASE SA SOCIAL MEDIA – DICT

DICT Secretary Eliseo Rio.jpg

(Ni KIKO CUETO)

HINIKAYAT ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga guro at propesor na iwasan na ang pagbibigay ng mga assignment sa mga bata na kung saan ang mga homework at projects ay graded base sa dami ng mga “likes” sa social media.

Sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio na ang mga bata ay posibleng ma-expose sa dahil sa “modern learning technique” na iginagawad ng mga guro.

Paliwanag ni Rio, may mga kabataan na nae-expose sa pagbibigay ng pribadong data dahil sa pangangailangan sa “like” online sa school requirements.

Ang naturang sistema ay inirereklamo na umano ng ilang mga magulang.

“Imbes na mag-assignment yung bata o gumawa ng project, maglalaro na sa social media,” sinabi ni DICT Assistant Secretary Allan Cabanlong, na siyang nangunguna sa cyber security division ng ahensya.

Ang DICT ay nakikipagkoordina na sa mga opisyal ng DEPED at CHED para bumuo ng draft memorandum circular sa isyu.

“It wouldn’t hurt to issue a memorandum like that to focus on the problem at hand,” sinabi ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera.

176

Related posts

Leave a Comment