IBABALIK na sa South Korea ang imported waste materials ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation na nakalusot sa Misamis Oriental.
Sa Enero 9, 2019 ang napagkasunduan ng bansa at South Korea na ibalik ang halos pitong libong tonelada ng mga basura na nakaabot sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental, ayon kay Mindanao International Container Terminal (MICT) collector John Simon.
Aabot umano sa P11-milyon ang gugugulin ng South Korean government para maibalik sa kanilang lugar ang mga basura na naipuslit sa bansa noong Oktubre 2018.
Sinimulan na rin ang paghahanap ng shipping lines na magkakarga sa 51 container vans na magbabalik ng mga basura sa South Korea.
289