BIYUDA NI BATOCABE PINATATAKBONG MAYOR NI DU30

gertie

PINATATAKBONG mayor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang biyuda ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na tatakbo sanang mayor sa Daraga, Albay, para sa 2019 midterm elections.

Ito ay matapos bigyang- babala ng Pangulo ang hindi pinangalanang alkalde na itigil ang pananakot kay Gertie, biyuda ng kongresista. Nauna nang kinumpirma ng anak ni Batocabe na tiyak umanong may ipapalit sila sa pinaslang na ama para tumakbong mayor. Ito umano ay upang ipagpatuloy ang magandang hangarin ni Batocabe sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ni Pangulo na kung hindi titigil ng pananakot o pagbigay ng death threats ang alkalde ay makakatikim umano ito ng matinding kahihiyan sa kamay ni Duterte.

“So huwag ka masyadong… Sabi ko, p***** i* ka, huwag mong takutin iyang biyuda. Sabi ko sa biyuda sige ikaw ang tumakbo. Sabi ko sa kanya kapag nakarinig pa ako ng panakot-nakot mo dito, pupuntahan kita sa bahay. Sabihin ko sa iyo, ayaw kong gawin iyan pero sa harap ng asawa mo pati anak mo, sampalin kita. I will give you the ultimate humiliation,” ayon pa sa Pangulo.  (Jet D. Antolin)

8

Related posts

Leave a Comment