HALOS lagpas-bahay na ang baha sa may 20 barangay sa Calapan City, Oriental Mindoro matapos umapaw ang Bucayao-Panggalaan River, ayon sa mga opisyal, Linggo ng tanghali.
Rinaragasa ng malakas na ulan at hangin ang mga kalapit na bayan tulan ng Baco, Naujan, San Teodoro, Bansud at Socorro, ayon kay Choy Aboboto, head ng Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Hindi na rin madaanan ang ilang kalsada sa Calapan City kasabay ng pagroronda ng mga barangay officials para alamin ang mga apektadong lugar.
Ayon kay Dindo Melaya, residente sa Calapan, malaking pinsala pa rin umano ang bagyong ‘Usman’ gayong isang LPA na lamang ito. Wala umanong patid ang buhos ng ulan at hindi na madaanan ang mga highway dahil sa taas ng tubig.
“Ito na ang sitwasyon at kailangang paghandaan. This is the new normal. Ito ang sinasabing climate change. Kasabay ng panalangin nating iadya tayo sa sakuna, mahalagang paghandaan nating lahat ang bagyo, baha at storm surge,” ayon pa kay Melaya. (PHOTO BY FE AQUILIZAN, PIO ORMIN)
267