7-8M DRUG ADDICTS SA PINAS, GAWA-GAWA LANG NI DUTERTE

DRUG ADDICT

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Bukod sa nais lang bigyan ng katuwiran ang madugong giyera kontra ilegal, taktika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalobo sa bilang ng mga drug adik sa bansa para mawala ang atensyon ng mga Filipino sa buwis, pagkamatay ng rice industry at maging ang pagbebenta umano sa Filipinas sa China.

Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. Antonio Tinio matapos ilagay ni Duterte na nasa 7 hanggang 8 milyon ang drug addicts sa Filipinas na malayong-malayo na sa 1.7 milyon bago ito naging pangulo ng bansa noong 2016.

Naniniwala si Tinio na gawa-gawa lang ni Duterte ang nasabing datos dahil hindi makapagpakita ang mga otoridad na ganito na karami ang gumagamit ng ilegal na droga sa bansa gayung tatlong taon na sila sa war on drug.

Maaaring sinasadya rin ni Duterte na palakihin ang bilang ng mga adik upang hindi mawala ang takot ng taumbayan  at magkaroon ng katuwiran ang madugong  giyera kontra ilegal na droga.

Pero para sa mambabatas, mas malaking usapin ang tinatakpan ni Duterte sa pagpapalala sa bilang ng mga drug adik sa Filipinas na gusto nitong iwasang pag-usapan ng mga Filipino.

Tulad na lamang ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagpalala sa kalagayan ng sambayanang Filipino mula noong ipatupad ito noong 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Kasama din aniya sa nais marahil ni Duterte na iwaksi ng mga Filipino sa kanilang isipan ang nakatakdang pagkamatay ng rice industry dahil sa nilagdaan nitong batas ukol sa rice tariffication at maging ang usapin sa China.

“While he distracts us with his nightly rants against drugs, his administration imposes regressive taxes on the people, farms out  big-time deals to favored foreign and local investors, and sells out our sovereign rights to China,” ani Tinio.

Inaakusahan ng mga militanteng grupo si Duterte nang pagbebenta ng soberenya ng Filipinas nang nilagdaang nito ang loan agreement sa Chico River project dahil ang mga patrimonial assets ang kukunin ng China kapag hindi tayo nakabayad sa ating mga utang sa kanila.

9

Related posts

Leave a Comment