(Ni BERNARD TAGUINOD)
Parang senentensiyahan umano ng kamatayan ng gobyerno ang narco-politicians na pangangalanan bago dumating ang eleksyon sa Mayo kahit wala pang sapat na ebidensya laban sa mga ito kundi nakabase lang sa hinala.
Dahil dito, hindi isinasantabi ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na mag-uunahan ang mga death squad para itumba ang mga politiko na pangangalanan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Malacañang, na sangkot umano sa ilegal na droga.
“The list is a virtual death warrant for politicians and their families who will not only be publicly humiliated but becoming a target for political killings from death squads,” ani Villarin.
Matinding paglabag umano sa human rights ang planong ito ng DILG, PNP at Malacañang dahil para na rin umano nila hinatulan ang mga pulitiko ng kamatayan gayung walang pang sapat na basehan ang kanilang alegasyon.
Maliban dito, nangangamba si Villarin na posibleng sablay din ang mga ilalabas na pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng mga nakaraang kung saan may mga politikong pinangalanan pero nilinis din kalaunan.
“It is not the President who should be the accuser, judge and executioner all at the same time. Without affording these politicians due process, it is highly unconstitutional and a grave abuse of authority. Malacañang should rethink such plan and defer to reason,” ani Villarin.
Dahil dito, pinakokonsidera ng mambabatas ang planong ito ng Malacanang dahil kawawa umano ang mga papangalanan subalit wala namang talagang kinalaman sa ilegal na droga kundi napag-initan lang.
Kung talagang may ebidensya aniya sa mga pulitiko na sangkot ang mga ito sa ilegal na droga ay kasuhan na ang mga ito sa korte sa lalong madaling panahon.
“Most likely, narco-politicians endorsed by President Duterte and HNP chair Mayor Sara Duterte will be spared while their rivals entered into the list. That will most likely happen in a partisan political activity where perception weighs more than finding out the truth,” ayon pa kay Villarin.
118