ABOGADO SIBAK SA SEXTORTION

sc

(NI TERESA TAVARES)

SINIBAK ng Korte Suprema sa “roll of attorneys” ang pangalan ng abogado at dating opisyal ng National Home Mortgage Finance Corporation dahil sa “sextortion”.

Sa 15-pahinang per curiam decision ng Supreme Court en banc, napatunayang guilty sa gross immoral conduct at mga paglabag sa Code of Professional Responsibility si Atty Antonio N. De Los Reyes, dating vice-president ng Legal and Administrative Group ng NHMFC.

Sinabi ng Korte Suprema na inabuso ni Delos Reyes ang kanyang kapangyarihan para makakuha ng sexual favors mula sa sekretarya nito.

Binigyang-bigat ng hukuman ang diretsong testimonya ng biktima sa mga pinagdaanan niya sa kamay ni Delos Reyes, sa isinagawang pagdinig sa kaso.

Ayon sa SC, ang mga aksyon ni Delos Reyes ay nagpapakita ng kawalan niya ng “degree of morality” na kailangan sa kanya bilang abogado kaya marapat lamang na siya ay patawan ng “disbarment”.

Paliwanag pa ng Korte Suprema, ang pagkakaroon ng good moral character ay hindi lamang “pre-requisite” kundi nagpapatuloy na requirement para magkaroon ng lisensya sa pagiging abogado.

109

Related posts

Leave a Comment