ABUEL ITINALAGANG DBM ACTING SECRETARY

abuel121

NI BETH JULIAN

PORMAL nang itinalaga bilang acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM) si Janet Abuel.

Sa ginanap na Cabinet meeting Lunes ng gabi sa Malacanang, inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary sa DBM si Abuel simula April 1 base sa appointment na inilabas nito.

Unang itinalaga bilang officer-in-charge sa DBM noong March 5 si Abuel matapos na italaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas governor si Benjamin Diokno.

Nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia si Abuel.

 

143

Related posts

Leave a Comment