(NI NOEL ABUEL)
BILANG na ang araw ng ilang remittance agencies na mapapatunayang sobra-sobrang magpataw ng finance charges sa mga ipinapadalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa inihaing Senate Bill No. 2162 o”Remittance Act” ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, nais nitong mabuksan ang mga ipinapataw na fees at iba pang bayarin sa ipinapadalang pera ng mga OFWs upang maprotektahan ang mga ito.
Nakapaloob sa nasabing panukala ang pag-oobliga sa mga remittance agencies na ipakita ang mga terms and conditions sa money transfer.
“Over the years, there have been complaints that remittance agents or money transfer companies utilize unfair and deceptive trade practices such as using rates notably lower than the foreign currency exchange rates of Philippine banks, in effect concealing the real rate to most recipients,” sabi ni Pimentel.
Isa pa sa nakapaloob sa nasabing probisyon ng panukala na obligahin ang lahat ng remittance agents at mga kumpanya na magparehistro at sumunod sa lahat ng itinatakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa oras na maging batas ang Remittance Act, makukulong ng aabot sa anim na taon hanggang 10-taon at multang P200,000 hanggang P1 milyon.
148