(NI BETH JULIAN)
LILIMITAHAN ang mga adlib ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong araw.
Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaya inaasahang aabot lamang ng 45 minuto ang talumpati ng Pangulo sa kanyang ikaapat na SONA.
Nakapokus ang talumpati ng Pangulo sa kanyang mga ipinangako noong kampanya gaya ng paglaban sa ilegal na droga at korupsiyon at ang mga plano para sa susunod na huling tatlong taon pang panunungkulan.
Babanggitin din sa SONA ang ilang kontrobersyal na isyu gaya ng WPS at ang panawagan ng United Nations Human Rights Council para irebyu ang human rights situation sa bansa.
Sinabi ni Panelo na hindi dedepensahan ng Pangulo ang kanyang sarili sa SONA pero pangangaralan niya ang kanyang mga kritiko kaugnay sa kanilang maling paniniwala.
Malinaw naman ang agenda ng Duterte administration na maipakita at maipahayag sa publiko na mahigpit sila sa pagsugpo sa ilegal na droga at krimen.
143