AFP J7 CHIEF NAGHAIN NG LEAVE OF ABSENCE

NAGHAIN ng leave of absence ang pinuno ng AFP Civil Military Operation o AFP J7 na sinasabing naglabas ng mali-maling listahan ng mga alumni ng University of the Philippines na miyembro umano ng New People’s Army (NPA).

Bagamat sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na ito kailangan lalo pa at sinibak na niya sa puwesto si MGen Alex Luna, Deputy Chief of Staff for Intelligence, J2, na siya umanong pinagmulan at nagpasa sa J7 ng basurang dokumento ay tinanggap ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ang inihaing pansamantalang pamamaalam ni MGen Benedict Arevalo.

“That is a laudable act of MGen Benedict Arevalo (AFP J7) but totally unnecessary as I don’t think the case warrants a formal inquiry. It is an open and shut case: a list was given by an office to another office which proved to be garbage and coming from the intelligence division? As I said it was an unpardonable gaffe,” tugon ni Sec. Lorenzana.

Ayon kay AFP Spokesman, Maj Gen Edgard Arevalo, tinanggap ni AFP chief of Staff Gen. Gilbert Gapay ang kahilingan ni MGen Benedict Arevalo na magbakasyon muna sa kanyang puwesto habang may nagaganap na imbestigasyon.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng AFP na naging opisyal ang desisyon makaraang magpasya ang mga opisyal ng Board of Generals (BOG) kaugnay din sa ginawang pag-relieve kay MGen Luna bilang J2.
Kasabay nito ay nagpasya rin ang BOG na italaga ang deputies ng J7 at J2 bilang chiefs in acting capacities.

Nilinaw naman ni Sec. Lorenzana na naniniwala siyang hindi maaapektuhan ang moral ng AFP sa ginawang pagsibak kay MGen Luna.

“Everyone knows the principle of command responsibility: a commander is responsible for whatever his unit does or fails to do. My action means that everyone knows this by heart and abides by it. I will not allow subordinates to be scapegoats,” ayon pa sa kalihim.

Isa umano sa naging basehan sa pagsibak kay MGen Luna ang kanyang “careless attitude” na nagresulta sa isang “unforgivable lapse”.
Una rito ay umani ng katakot-takot na batikos ang maling impormasyong ipinakalat ng AFP J7 sa kanilang Facebook page hinggil sa mga dating mag-aaral ng UP na nahuli o napatay sa military operation dahil sa pagiging kasapi

36

Related posts

Leave a Comment