RFID overcharging pinareresolba ni Defensor MOTORISTA ‘NINANAKAWAN’ SA NLEX

(BERNARD TAGUINOD)

KINALAMPAG ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang North Luzon Expressway (NLEX) na resolbahin ang reklamo ng mga motorista hinggil sa overcharging ng Easytrip radio frequency identification (RFID) system.

Ginawa ng mambabatas ang pangangalampag matapos maglabas ng kanilang mga hinaing sa social media ang mga motoristang dumaraan sa NLEX sa pag-asang pansinin ang mga ito ng NLEX operator at maging ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB).

Ayon kay Defensor, pangunahin sa reklamo ng mga motoristang dumaraan sa NLEX na binabawas sa kanilang RFID account ang buong expressway kahit maiksi lamang ang kanilang biyahe.
“In some cases, they are even charged twice,” ayon sa mambabatas kaya may mga complainant umano ang nagbabansag ngayon sa Easytrip bilang “Easythief” dahil sa sobra-sobra ang ibinabawas sa kanilang pondo sa RFID.

“Another expressway user claiming to be a victim of disappearing load described it as “high-tech pangongotong,” dagdag pa ng mambabatas kaya dapat aniyang aksyunan agad ang mga reklamong ito lalo na’t hindi mabilis na umaaksyon ang nasabing operators.

Lagi lang umanong sinasabi ng NLEX operators na “Our apologies for the inconvenience….we will get back to you as soon as possible,” subalit walang agarang aksyon.

“The promise of a future communication is just that – a promise, prompting customers to comment that it was a robot that replied to them,” ani Defensor kaya may mga complainant umano ang nagtatanong ng: “Wala ba silang tunay na tao to attend to us, instead of a robot or a computer?”

Dahil dito, iginiit ng mambabatas sa DOTr at TRB na obligahin ang NLEX operator na resolbahin ang problemang ito ng mga motorista dahil kung hindi ay mawawalang saysay ang cashless at contactless toll payment program.

Sa ngayon aniya ay maraming motorista ang napilitang magbayad ng cash sa kanilang pagdaan sa mga tollgate ng NLEX dahil sa problemang ito na hindi agad inaaksyunan ng operators.
“They choose to pay cash even at the risk of getting coronavirus infection, which the RFID system is supposed to avoid, and though they have to queue for a few minutes, sometimes for five minutes, sometimes longer,” ayon pa sa mambabatas.

36

Related posts

Leave a Comment