(NI JESSE KABEL)
PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines ang akusasyon ng ilang organisasyon na sinasabing may kawing o prente ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na walang hawak na ebidensiya ang AFP na magpapatunay sa mga sinasabing communist front organizations.
Ayon kay Brig General Antonio Parlade Jr., Asst. Deputy Chief of Staff for CMO, J7, na perpekto na ng grupong Karapatan ang sining ng pagsisinungaling sa loob ng 24 na taong panlilinlang.
“I never said I don’t have evidence to show they are communist front organizations. In fact we have a lot and Karapatan is worried about all these truth coming out now, ani Gen Parlade .
Si Parlade ay inakusan ng mga makakaliwang hanay na “fictionist” ng AFP at parang lumang plaka sa mundong digital.
Umaalma ngayon ang mga militant organization na sinasabing prente ng CPP-NPA matapos ihayag ng military na nagbabalak ang ilang European Union members, kasama ang Belgium government, na magsagawa ng audit sa multimillion financial aid para sa mga humanitarian project subalit napunta lamang sa mga bulsa ng CPP-NPA leadership o ginamit para sa pagsusulong ng rebolusyon.
Kinuwestyon din ng opisyal ang pamunuan ng Karapatan kung nasaan sila nang masangkot sa child trafficking ang communist front na ACT at Bayan Muna sa Davao.
Sinabi pa ni Parlade na mismong si Jose Maria Sison , CPP founding chairman, ang naglalantad ng mga communist fronts sa kanilang mga revolutionary websites, sa mga verbal pronouncements ni Joma , at sa mga CPP publications.
251