AFP TUTULONG SA PAG-ARESTO KAY JOMA, 37 IBA PA

(NI AMIHAN SABILLO)

HANDA ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumulong sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagdakip kay CPP founding chairman Joma Sison at 37 lider at miyembro ng  komunistang grupo.

Sakali umano na mag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Regional Trial Court Branch 32 sa Manila, kaugnay na rin sa mga kasong 15 counts of murder na may kaugnayan sa Inopacan massacre, ay hindi sila mag-aatubiling arestuhin ito.

Inihayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, na sa kabila na nahuli ang pag-isyu ng warrant of arrest, maituturing pa rin itong victory lalo na sa mga pamilya ng mga biktima ng heinous crime.

Samantala, sinigurado naman ng AFP na hindi sila titigil hangga’t hindi naaaresto ang mga lider at miyembro ng CPP para mabigyang katarungan ang pagkamatay ng mga biktima.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan umano ang AFP sa Department of Foreign Affairs(DFA) Department of Justice(DOJ) at International Police(IP) para mahuli si Sison na sa ngayon ay nasa ibang bansa.

Matatandaan na ang Inopacan massacre ay naganap sa Mt. Sapang Dako, Barangay Culisihan, Inopacan, Leyte noong 1985. Nasa 67 ang namatay dahil sa rebel purge kung saan narekober lamang ang kanilang mga labi noong Aug 28 2006.
 

154

Related posts

Leave a Comment