AFRICAN HULI SA PEKENG CANADIAN VISA

bi121

(NI FROILAN MORELLOS)

NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang West African dahil sa pagdadala ng pekeng Canadian visa .

Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, nakilala ang suspek na si Amevi Gbansouvi, 31, at nasakote ng mga tauhan ng Travel and Control Unit (TCEU), nitong Martes sa Naia Terminal 2 .

Matapos ang inspeksiyon ay nadiskubre na peke ang kanyang iprinisintang Electronic Travel Autnorization (ETA) sa mga on duty na immigration officers bago siya makasakay sa kanyang flight papuntang Canada.

Nakarating sa pamunuan ng Immigration na ginamit ng suspek ang Manila bilang jump-off point para makapasok sa Canada gamit ang mga pekeng papeles o dokumento.

Ayon naman kay Benlando Guevara hepe ng TECU sa Naia Terminal 2, dumating ang Afrikano sa bansa bilang transit passenger via Philippine Airlines flight mula Guangzhou China.

Dagdag pa ni Guevara, nabatid kay Officer John Peter Chua ng China, na peke ang ETA nito , kung kaya’t malaki ang posibilidad na hindi makapasok si Gbansouvi sa Canada.

Nakakulong ang suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang inaayos ang deportasyon nito sa paglabag ng Philippine Immigration Act.

 

310

Related posts

Leave a Comment