(NI ABBY MENDOZA)
MALINAW na panghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas at pag-atake sa judicial independence ang ipinasang amendment ng United States Senate na nagbabawal sa Philippine government officials na pumasok sa Estados Unidos, partikular ang mga may kinalaman sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.
Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, nababahala ito sa magiging implikasyon ng ipinasang amendment dahil maaaring maapektuhan nito ang desisyon ng dalawang hukom sa Muntinlupa Regional Trial Court Branches 205 at 256 na may hawak ng kaso ni De Lima, aniya, tila sinasabi ng US senators na kapag hinatulan ng mga hukom si De Lima na guilty sa drug charges ay hindi na rin sila papayagang makapasok sa Amerika.
“This is highly irregular, especially because the trial is ongoing and the judges are still hearing the case. If they believe that Senator de Lima should be set free, then it is their right to express their opinion. But it is another thing altogether to bully one another government’s judicial officers into acquiescing to their demands,” pahayag ni Abante.
Dahil dito ay umaasa ang kongresista na mag-isip nang mabuti ang ibang US senators at tututulan ang amendment na bumabastos sa isang bansang matagal na nilang kaalyado at kaibigan.
Para naman kay Davao Rep. Pantaleon Alvarez, pagpapakita ng pagiging mangmang ang aksyon ng US Senate. Pinayuhan pa nito ang mga senador na pakialaman lamang ang kanilang hurisdiksyon at hindi ang nangyayari sa Pilipinas na isang independent nation.
157