ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Alejandro “Al” Tengco bilang chairperson at chief executive officer (CEO) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang appointment ni Tengco ay kinumpirma mismo ng PAGCOR sa kanilang press release.
Pinalitan ni Tengco si Andrea Domingo na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016.
Si Tengco ang may-ari ng Nationstar Development Corp. at dating vice mayor ng Malolos, Bulacan.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Atty. Juanito L. Sañosa, Jr. bilang PAGCOR president at chief operating officer.
Pinili rin ng Pangulo si dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, engineer Francis Democrito Concordia, at Jose Maria Ortega bilang mga miyembro ng board of directors.
Si Remulla ay kapatid nina Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at Cavite Governor Jonvic Remulla. (CHRISTIAN DALE)
