ALBAYALDE ‘DI TAKOT SA SENADO

(NI NICK ECHEVARRIA)

TINIYAK ni Philippine National Police spokesperson P/BGen. Bernard Banac na handang humarap sa Senado anumang oras, sakaling ipatawag si PNP Chief General Oscar Albayalde, kaugnay sa isyu ng ‘ninja cops’.

Ginawa ni Banac ang pahayag makaraan ang malisyosong pag-uugnay sa pangalan ni Albayalde sa nasabing usapin sa isang executive session kung saan isang 4-star general umano ang nagsisilbing protektor ng ninja cops.

Nauna rito nangingiting sinabi ni Albayalde na kahit hindi tinukoy ang kanyang pangalan ay hindi niya maiwasang isipin na siya ang pinatutungkulan nito dahil siya lang naman ang nag-iisang aktibong 4-star general sa PNP.

Isinisi ng heneral sa ‘internal Politics ng PNP’ ang pagkakadawit sa kanyang pangalan sa isyu ng recycling ng mga nakukumpiskang drug evidence sa kabila ng nalalapit na niyang pagreretiro.

Samantala, nilinaw naman ni Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao, na ang relieve order kay Albayalde noong siya pa ang Provincial Director ng PNP sa Pampanga dahil sa pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan sa drug recycling ay administrative relief lamang at wala siyang kaugnayan sa kaso.

Binigyang diin ni Albayalde na rehashed na lamang ang isyung ito na ibinabato sa kanya dahil napawalang sala na siya rito matapos ang background check bago pa man siya maging Director ng NCRPO noong 2016.

229

Related posts

Leave a Comment