ALBAYALDE:  KREDIBILIDAD NG PNP SINISIRA SA FAJARDO KIDNAPPING

pnp1

(NI  NICK ECHEVARRIA)

GUSTO lamang i-discredit o wasakin ng mga suspek na dumukot sa negosyanteng si Allan Fajardo, dating aide ng pinaslang na alkalde ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili, ang kredibilidad ng pulisya at militar.

Ito ang mariing ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Camp Vicente Lim sa Laguna nitong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Albayalde na maaaring sinadyang magsuot ng mga  vest na kahalintulad ng mga ginagamit ng mga awtoridad sa kanilang operasyon para sirain ang imahe ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang mga law enforcement agencies ng gobyerno.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag bilang reaksyon sa mga alegasyon na posibleng mga pulis o militar ang nasa likod nang lantarang pagdukot kay Fajardo sa Seda Hotel, Nuvali, Sta Rosa City dahil sa mga kasuotan ng mga ito, isang linggo na ang nakakalipas.

Binigyang-diin ng hepe ng pambansang pulisya na hindi naman eksklusibo para  lamang sa PNP at AFP ang paggamit ng mga vest at maaari aniyang makabili nito ang kahit na sino.

Gayunman sinabi ni Albayalde na posibleng professionals ang mga suspek dahil sa fully equipped ng mga ito o miyembro ng isang malaking sindikato, maaari rin aniyang kalaban sa negosyo ni Fajardo ang mga dumukot sa kanya.

Inakusahan naman  ng abogado ng pamilya Fajardo na si Atty. Ferdinand Topacio ang PNP ng umano’y pananahimik at kawalan ng aksyon sa nangyaring insidente ng pagdukot sa kanyang kliyente.

192

Related posts

Leave a Comment